Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for healthcare industry professionals · Tuesday, November 5, 2024 · 757,843,909 Articles · 3+ Million Readers

WIN TRANSCRIPT | Press conference of Senator Win Gatchalian on the banning of POGOs

PHILIPPINES, September 12 - Press Release
September 12, 2024

PRESS CONFERENCE OF SENATOR WIN GATCHALIAN ON THE BANNING OF POGOS

Q: Sir, sa mga questions nyo kanina, ano po yung concern nyo? Nagko-convert lang po ba yung mga POGO into other business models?

SEN. WIN: Iintutuloy namin yung batas para i-ban na ang POGO sa bansa natin at irerepeal yung taxation ng POGOs sa ating bansa. Kahit na lumabas yung executive order the next two weeks, itong batas na ito, hindi na papayagan ang mga POGOs bumalik pa dito sa ating bansa. At i-dedefine namin maiki kung ano ba yung mga, anong tawag sa POGOs, ano ba yung mga POGOs, ano yung mga negosyong kadugtong sa POGOs, isasama namin sa batasyon para institutionalize na siya. Kahit sinumang presidente pumasok o maging presidente natin, hindi na pwedeng payagan ng POGOs dahil by law na siya.

Q: Sir, nahirapan po ba i-define kung ano po talaga yung...

SEN. WIN: Hindi naman nahirapan i-define. Gusto lang natin ma-assure na kahit sinong umupong pangulo, hindi na pwedeng payagan ng POGOs sa bansa natin. Yung another side of the hearing ay yung e-gaming. Kasi mayroong e-gaming ngayon sa bansa natin na ang kliyente niya naman ay mga local, domestic. So ito naman yung pinag-aaralan. Dahil may mga proposals na i-ban rin yun. At may mga proposals na pagbawalan rin. Pero tinignan namin yung kita natin nakukuha doon. Lumalaki siya. Sa Pagcor alone is 22 billion. Sa BIR is almost 12 billion. Three years ago, wala pang hindi ganun kalaki. Sa Pagcor was only 6 billion. Sa BIR was 2 billion. So lumalaki yung nakukuha nating revenue galing sa tinatawag nating e-gaming. Pero nakita rin namin may kahinaan yung pagdating sa regulation. For example, napakadaling mag-open ang account sa mga e-gaming. Kahit na magbigay ka ng pekeng pangalan, nakita namin sa last hearing, kahit magbigay ka ng pekeng pangalan, pwede ka mag-open ang account. Pag nagbigay ka ng pekeng pangalan, pwede ka rin magbigay ng pekeng edad. Pwede kang 16 years old, gawin mo 21 years old. At dahil pwede kang magbigay ng pekeng pangalan, pwede ka rin pumasok sa money laundering. Yung kita mo sa drugs, kunwari, isugal mo. Pag nanalo ka, pwede mo makuha yung pinanalunan mo ng malinis na yung pera. So nakita namin may mga regulatory weaknesses dito sa e-gaming. Sabi ng ating mga kapulisan, minimal yung nakukuha nilang reports tungkol sa crime sa e-gaming. So tinitignan rin namin yan. Pero the mere fact na may weakness sa regulatory, baka maging mas malala ito sa mga susunod na panahon.

Q: Sir, paano dun sa mga economic zones? Kasi parang may concern sila na yung nasa loob ng economic zones.

SEN. WIN: Actually, meron ngayon dahil nga na-ban ang POGO, meron isang aspeto na hindi natin masyadong klaro. Ito yung special class BPO. Itong mga special class BPO, parang BPO siya pero ang kliyente niya mga gaming companies outside the Philippines. So may mga, for example, may mga graphic design, customer service, marketing. So ito yung mga service na binibigay nila o pino-provide nila dito sa mga gaming companies outside of the Philippines.

Hindi sila kumukuha ng taya. Dahil service provider lang sila. So ito naman yung isang bagay na dapat klaruhin sa pagba-ban ng POGO. Dahil itong mga service provider, nagse-service rin ng mga POGO. So may kliyente sila sa abroad, may kliyente sila dito ng mga POGO. So kinaklarify ngayon kung kasama sila sa pagbaban. Dahil hindi naman sila kumukuha ng tayak.

Q: Sir, anong ibig sabihin yung... Ibig nyo lang pong sabihin dun sa seems like meron ng kapalit ang POGO. Kahit wala ng POGO, pinalitan naman ng e-games.

SEN. WIN: Dahil yung kita niya, lumalaki yung kita ng e-gaming eh. So kung matatandaan natin ang nakuha ng Pagcor sa POGO is about 6 billion. Ang nakuha ng BIR is about 8 billion. So that's more or less nasa around 14 to 15 billion. Pero ang e-gaming naman, ang laki ng pagpasok ng pera sa Pagcor mga 22 billion. Sa BIR, mga 12 billion. So ang punto ko lang naman, kahit mawala yung POGO, dahil mawawala ang kita ng Pagcor at ng BIR, yung e-gaming naman, lumalaki siya. At nakita ko in the last 3 years, ang laki ng linaki niya, almost more than 100%. So in other words, napalitan ng e-gaming yung kita ng POGO.

Q: Pero not necessarily sir na... Ano po ibig nyo sabihin? Mas lalala pa yung sitwasyon dun sa e-gaming possible in the future given na sa ngayon may mga crimes na related to e-gaming?

SEN. WIN: Kung mahina kasi ang regulation, for example, pinakita ko ito during the last hearing, napakadali magbukas ng account. Kung hindi nila minomonitor, let's say mga minor, nagbubukas ng account. Kasi pwede kang magbigay ng fake name. Pwede ka rin... Pag nagbigay ka ng fake name, pwede ka rin magbigay ng fake age. So kung mga bata e ma-addict dito sa e-gaming at hindi nila babantayan ito, lalala at lalala ito. Kung matatandaan natin yung e-sabong, walang edad eh. Anytime, anywhere, anyhow, pwede kang magbukas ng account sa e-sabong. Ako nakita ko mga bata mismo naglalaro ng e-sabong during the pandemic time. At maraming na-addict sa e-sabong dahil napakabilis magbukas ng account. Ang problema dito kung yung mga, let's say, enforcement agencies natin, mga police, magkaroon ng maraming utang dahil nga sa pagsusugal, malaking problema tayo dyan. Yung mga bata, kung sila ay malulong o ma-addict sa mga e-gaming, magkakaroon tayo ng malaking problema sa lipunan natin, sa society natin. So ang punto ko, kung mahina ang regulation, ang problema pwedeng lumala at lumala yan. Kaya habang maaga pa lang ngayon, dapat yung regulation ay pagtibayin na, higpitan na mabuti at siguraduhin na sumusunod itong mga e-gaming companies.

Q: Sir, what specific measures would you craft to avoid the creation of another POGO by its name? Kasi yung IGL kasi, di ba, it caters to the majority of Chinese?

SEN. WIN: Yes. Ang simple definition ng POGO, kumukuha siya ng taya galing sa labas. At nirebrand nila ito into IGL. Pero parehong-pareho lang yan. Whether POGO or IGL, parehong-pareho lang siya. So yung batas na ika-craft namin, bawal na ang mga korporasyon na kumuha ng taya galing sa labas. Hence yan ang POGO. So pagbabawalan na natin yan. And pagbabawalan na rin natin yung taxation related to that. Kasi magkadugtong siya. So pagbabawalan na rin natin siya.

Q: Sir, sa inyong ipapasambalas, kasama ko yung mga nasa CEZA?

SEN. WIN: Yung nasa CEZA, from what we understand, kanina, puro service providers siya. So ibig sabihin, nag-provide siya ng service sa mga kumpanya outside of the Philippines. Pero hindi siya kumukuha ng taya. In fact, sabi kanina ng CEZA, na hindi nilang pinapayagang kumuha ng taya. Dahil yung data, palabas lang, hindi paloob. So ibig sabihin, walang capability na magtaya sa labas, papuntang sa loob. So yun yung gusto rin natin mangyari sa mga service provider na kung ipagpapatuloy natin yung service providers, walang taya. Pure service lang ang dapat ibigay nila sa mga customers.

Q: So kung ganun exempted sila?

SEN. WIN: Hindi pa, pinag-aaralan pa namin ngayon kung i-exempt yung tinatawag nating service provider or special class BPO. Yun yung bagay na pinag-aaralan nyo ng Committee on Games naman. At kasama ako dun sa mga pag-aaral dito. So magbibigay kami ng recommendation kung itong special class BPO or service provider pwedeng ipagpatuloy dito dahil di naman kumukuha ng taya.

Q: So sir, kasama sa prohibition yung existence ng IGL kasi it's POGO by another name?

SEN. WIN: Oo, kasama yan.

Q: So it's specific?

SEN. WIN: Yes. Ilalagay namin POGO or other reiteration and other brands. Isasama namin yan. IGL actually wala sa batas yan. Ano lang yan, parang nireband lang ng Pagcor. Ang specific as POGO taxation law is Philippine Offshore Gaming Operations.

Q: Sir, paano maiiwasan? Kunwari yung mga POGO, parang magde-disguise lang sila as yung service provider sa mga economic?

SEN. WIN: Oo, yun ang kanina tinatanong ko. At yun din naman ang agam-agam o concern ng ating ibang enforcement agencies na baka lumipat sila sa service provider o sa e-gaming. Ang nakita namin sa regulation ng Pagcor, para maging service provider ka dapat 95% ng empleyado mo Pinoy. So kung 95% empleyado mo ay Pinoy, ang customer mo obviously mga locals dahil hindi ka naman marunong magsalita ng ibang lenggwahe. So yun ang isang mechanism para hindi sila makalipat. At pag ininspect sila makikita mo Pinoy lahat, then qualified ka. Ngayon kasi walang ratio eh. Kaya yung ibang mga service provider at yung ibang mga POGO, 100% foreigners eh nung kasagsagan ng mga POGO. So ngayon, one of the safeguards na ginagawa ng Pagcor dapat 95% ay Filipino.

Q: Sir, mag-Alice Guo lang ako. Sir, si Senator Ping Lacson ni-reveal kahapon na parang meron siyang kaibigan daw na inofferan allegedly ni Alice Guo ng P1 billion. I-invite niyo rin po ba si Senator Ping Lacson para mashed light Or yung friend niya na Filipino-Chinese yata?

SEN. WIN: Wala pa naman ganun na usapan. Nabasa ko lang yun sa internet yesterday. Of course, volunteered information yun. Wala pa naman ganun na invitation na balak.

Q: Sir, kung totoo ibig sabihin gano'ng kalaki talaga pera meron sila Alice Guo?

SEN. WIN: Oo, nakakagulat. P1 Billion pwede nyang i-offer. So, makikita natin na ganong kalaki ang perang gumugulong sa Pogo. In fact, doon sa last hearing, nakita namin nga na ang pumasok sa account ni Alice Guo between 2017 to 2024 is 1.9 billion pesos. At tinignan namin yung kanyang tax returns, tinignan namin yung kanilang mga family corporations, walang ganun na perang kinikita yung kanilang mga corporations. In fact, prior maging mayor si Alice Guo, dalawang beses lang siya nang file ng tax return niya na wala pang P100,000, parang P20,000 lang ang binayaran niya sa BIR. So, in other words, yung pumasok na pera sa kanyang account, hindi alam kung saan yung legitimate source of income niya. So, ang ibig sabihin, illegitimate yun. Nanggaling yun sa mga financiers, Pogo operators, money launderers na pinasok sa account niya. Sa account lang niya yun. Nung tinignan namin yung QJJ Farm, meron rin ganun. Pumasok sa QJJ Farm between 2018 to 2024, almost P3 billion ang pumasok doon. Yung QJJ Farm naman, yun naman ang nag-transfer ng pera sa pambayad sa mga contractors, pag-renta ng equipment, pambayad nga ng kuryente doon sa Pogo Hub sa Bamban. So, kung susuma natin yan, close to about P5 billion ang pumasok na unaccounted at unnamed yung source ng pondo. That's close to the 6-7 billion na presyo ng Pogo Hub sa Bamban. So, kaya hindi pa natin nakikita yung mga ibang corporations nila. At nakita namin may mga pumapasok rin doon. So, ganyan yung operations nila. Kunwari, meron silang negosyo dito na hindi kumikita. Kunwari, meron siyang income source na hindi malaki. Pero sa likod, pumapasok napakalaking pera at ginagamit nila nila ito sa pagpapatayo ng Pogo Hub.

Q: Sir, anong gagawin nyo kung hindi pa rin siya magsasalita next hearing?

SEN. WIN: Yung ebidensya naman matibay. And I'm sure, i-invoke niya yung right against self-incrimination. Ngayon, ang bagong linya niya mayroon banta sa buhay niya na hindi naman nag-file officially. So, ginagamit niya yung dahilan na yun. But, ang ebidensya kasi napakatibay. At yung dokumento, very clear naman. So, kahit na hindi siya magsasalita, ilalabas lang namin kung ano yung sinasabi ng ebidensya.

Q: Pero, in favor ba kayo, sir, sa executive session?

SEN. WIN: Hindi ako in favor. Dahil, unang-una, hindi naman national security threat to. Number two, yung kanyang death threat, hindi naman officially reported. Para sa akin, gawa-gawa lang niya ito para hindi siya sumagot sa mga tanong. Wala akong nakikita ng dahilan para mag-executive session.

Q: Pero, sir, kumbinsido na ba kayo dun sa yate? And, inaalis niyo na po ba yung possibility na baka by plane talaga yung ginagamit niya?

SEN. WIN: Well, doon sa nakita kong news galing sa NBI, dumating siya sa KL on July 18, nakatatak yung passport niya. Parang naging ruta dumating siya sa KL July 18, dumating siya sa Sabah July 19. So, ibig sabihin, mayroon siyang formal entry sa Kuala Lumpur. Whether it's an airport or a seaport, it's a formal entry. At normal, pag may formal entry, siyempre tinitingnan nila yung formal exit mo. So, kasi kung nag-barko ka, kung sinasabing na allegedly, nagbarko sila, informal ang alis mo, dapat ang pasok mo, informal rin. Pero, umalis siya informally, pero pumasok siya formally. So, ito yung parang hindi nagtutugma, eh, so tinitingnan rin namin.

Q: Sir, meron ba kayong information that this Hwang Ziyang, apparently siya yung big boss ng Pogo sa Philippines, is connected with the Chinese Triad?

SEN. WIN: Possible yan. I don't have any concrete information now. May mga information lang akong sinasabi sa akin kung sino siya. Hindi pa validated. Kaya masasabi kong possible yan. Pero, ang very sure ako, kasama siya sa mga money laundering organized crime. Itong taong to, may limang passport to, kaya nakakaikot to nang maluwag eh. Pwede siyang pumunta Europe, pwede siyang pumunta anywhere, pwede siyang umikot. At, nabalitaan namin na nasa Hong Kong siya ngayon.

Q: Not Taiwan?

SEN. WIN: From Taiwan, kakalipad lang niya ng Hong Kong. So, makikita natin na gumagalaw siya. Importante ma-file natin yung case at tumakbo na yung case para maka-issue ng formal warrant of arrest dito sa ating bansa. At, para ma-alert na natin yung Interpol at malilimitan rin yung kanyang galaw.

Q: Sorry sir, sino po yung source ng information na nasa Hong Kong na po si Huang Ziyang?

SEN. WIN: Confirm yun, but I can't tell the source kasi walang permission. But yun confirm yun.

Q: Pero si Huang Ziyang ba sir yung sinulat ni Alice sa papel?

SEN. WIN: I'll leave that to the chairman dahil si chairman, si Senator Risa nagdecide. So I'll leave that to her kung hindi disclose niya or hindi.

Q: Pero ang malino sir is si Huang Ziyang ay important pa din dun sa investigation sana natin. Pinapa-invite po ba siya for the next hearing?

SEN. WIN: Si Huang Ziyang kasi nakita namin sa maraming dokumento eh. Number one, nakita namin siya dun sa... If you remember yung raid sa Sun Valley, sa Fontana/Sun Valley. Andun yung pangalan niya sa incorporation papers ng Sun Valley. Tapos nag-appear ulit doon sa Bamban Pogo Hub, particularly sa Baofu. At obviously malaki yung kanyang ginawa. Kanyang kanyang papel doon sa pagtakas nila Alice Guo at yung grupo nila sa Malaysia, no? At doon sa grupo nila sa Malaysia, nandoon din si Cassandra Li. So, konektado naman yun sa Porac Pogo Hub. So parang based doon sa mga nakikita namin dokumento, involved siya sa Sun Valley in Clark, involved siya sa Bamban in Tarlac, at involved rin siya sa Porac in Pampanga.

Q: Sya ang boss ng lahat ng Pogo bosses? Yung may pinakamabigat na kasong kakaharapin niya, sir?

SEN. WIN: So far, hindi ko pa masabi ngayon kung siya yung pinakabig boss,. But so far, boss siya. So far, nakikita namin involved siya dito sa tatlong Pogo Hub na yun. And if you look at the geography, magkakatabi lang to, eh. Magkakatabi lang ang Porac, ang Fontana, at ang Bamban. Isang ikot lang yan.

Q: So magiging principal nga siya na accused doon sa mga kaso?

SEN. WIN: Definitely.

Q: Human trafficking, money laundering.

SEN. WIN: Definitely. Definitely kasama siya sa mga makakasuhan. Alam ko nga nakasama na siya dito sa mga initial na mga kaso.

Q: Sir, sabi niyo malaki yung papel niya sa pagtakas nila Alice. Ano po yung papel niya exactly?

SEN. WIN: From our information, yung pangalan niya lumarabas rin doon sa mga activities sa pagtakas nila sa Malaysia, sa Indonesia, even yung, if you remember, yung si Duanren Wu. Kasi yung pangalan din yan nandoon din sa pagtakas sa Malaysia, sa Indonesia. So, parang itong mga personalities, magkakakilala sila eh. Maybe it's not present in the documents, in those Pogo Hubs, pero interaction-wise, magkakakilala sila. And then may nakita rin ako ng report, eh. Galing sa Indonesia, na si Duanren Wu also is part of those people na tumulong sa grupong ito na makatakas.

Q: So far, sir, sino-sino yung mga personalities na allegedly involved doon sa pagtakas ni Alice?

SEN. WIN: Sa pagkaalam ko, si Duanren...

Q: Dalawa po sila, sir.

SEN. WIN: Si Duanren ang isa sa mga active personalities doon sa movement nila sa Indonesia. Indonesia, Malaysia, and Singapore.

Q: And then, si Huang Ziyang po yung isa.

SEN. WIN: Si Huang Ziyang yung isa. Tapos meron pang isa si Jiang Jie. Jiang Jie. Who's an incorporator of Zun Yuan. Ah, sorry, President ng Lucky South.

Q: Sir, itong mga tao na to yung nagpa-facilitate ng mga travels nila, movement nila?

SEN. WIN: Nag-book ng hotel, nag-facilitate ng travels, may mga contact on the ground.Interestingly, doon sa video, yung pag-raid, nnung kinuha si Guo Hua Ping, diba, may raid. May mga narinig ko sa behind the background, may mga Chinese na nagsasalita eh. Hindi Indonesian, mga Chinese. So, obviously, ang contact rin ni Guo Hua Ping doon, mga Chinese rin. So yan yung network niya.

Q: Sir, wala pa rin kayong names ng mga Pinoy involved sa pagtakas?

SEN. WIN: So far, wala pa akong official, no? Wala pa akong official. May mga nagsasabi-sabi but not official pa.

Q: Sir, wala ba tayong investigation yung in specific na sa movements ni Huang, tapos paano siya nakalabas ng Pilipinas?

SEN. WIN: Lahat itong mga Chinese personalities, wala na sa Pilipinas.

Si Duanren Wu, umalis na March pa yata. Yeah, but all of them, wala na dito sa Pilipinas. One of the, nakikita kong common action sa kanila, kung merong raid, kaagad takbuhan na sila eh. Umaalis na kaagad sila ng Pilipinas eh.

Q: So, sir, possible pa ba, kaya po ba na matala sila dito for the probe for the Senate hearing? Or that's out of the...

SEN. WIN: Babalik lang sila dito kung meron ng warrant of arrest. I think ganyan lang mangyayari. So, may warrant of arrest. Of course, i-alert natin at Interpol. At pag nahuli sila, pababaliking dito.

Q: Sino mag-i-initiate? Parang yung wala yan na nagpu-push ah, lahat naka-focus kay Guo?

SEN. WIN: Kasama naman doon sa listahan ng mga finilean ng kaso. Yung three agencies, NBI, BI, at AMLC nagfile ng mga kaso. Kasama naman sila dito.

Q: Sir, balak daw muna ang PAOCC na maghukay doon sa Lucky South 99. Because may allegedly may mga patay doon sa ilalim based on their information, anong reaction nyo doon, sir?

SEN. WIN: Yun yung mga information, diba maraming kasing na-rescue eh. Maraming na-rescue. Maraming victims. At yung mga victims mismo nagsasabi kung ano yung nangyari doon. Yung mga information na may mga napatay dahil nga sa torture. At yung iba ay binaon doon. Yung iba nga ay allegedly, may crematorium. So, that's possible na mayroong ganyan na pangyayari.

Dahil nga at the one time, yung Porac Pogo Hub talagang grabe eh. Nakita naman natin yung torture na nangyari doon sa pictures. Hallmark yan ang mga Pogo Hubs na nagto-torture. So, possible na mayroong namatay doon. Kasi kinuha nila yung passport eh. So, parang walang personalities itong mga tao eh. Hindi natin ako sino. Kapag patay ka babaon ka. Tapon yung passport. Wala na. Missing ka na agad.

Q: Sir, regarding Cassandra Li ONg po, ano po yung reaction nila sa pagdating ng petition for certiorari and prohibition?

SEN. WIN: May limitation naman yan, ano. Kailangan i-justify niya kung ano yung dahilan para hindi siya magsasalita. Kasi you can only do that kung mayroong incriminating testament related to your case. Eh kung itatanong naman, hindi naman related to your case. Pwede naman yun. So, hindi blanket right yan. It's only related to the case filed against you.

Q: Sir, yung sa POGO bill, anong timeline nyo?

SEN. WIN: Hopefully in the next two weeks. Simpleng bill lang naman to. And I think si Senator Joel, Senator Allan, initiating the bill. So, iko-consolidate na lang namin to.

Q: And then, sir, di ba parang may promise si SP sa inyo?

SEN. WIN: Yes, oo. Yun din yung isang aming agreement na ipafasttrack itong bill.

Q: Sir Pahabol, is zero budget possible for the office of the Vice President? O hindi mangyayari?

SEN. WIN: Kawawa naman yung mga empleyado nila. At dahil mayroong mga empleyado ang office of the Vice President, so kailangan sila sumweldo.

Kailangan rin ng benefits para sa kanila. So, kawawa naman yung mga empleyado na nagtatrabaho doon sa office. So, yan ang effect kung isi-zero budget nila. Even the Vice President deserves a salary. Lahat naman tayong nagtatrabaho sa gobyerno eh, ano naman, karapat-dapat naman na mayroong sweldo.

Q: So, malabo mangyari, sir?

SEN. WIN: Malabo, tingin ko. Kasi may mga tao doon na nagtatrabaho. At right rin ang mga nagtatrabaho doon na makakuha ng compensation.

Q: Sir, reaction lan tinapyasan na po ng House Committee on Appropriations yung budget nila. I think it's P1.2 billion pesos yung tinapyas.

SEN. WIN: Hindi ko pa nakikita yung exact kung ano yung natapyasan. I would assume yung tinira nila is for salaries yan. I would assume. But hindi ko pa nakita kung ano yung mga kasi bago lang kasi yan. Hindi ko pa nakita kung ano yung mga natanggal.

Q: Pero hindi sana nangyari, sir kung naging patient enough ang Vice President. Nakipagtulungan na lang sumagot sa mga tanong.

SEN. WIN: Well, kanya-kanyang ano yan eh. Kanya-kanyang... Kumbaga sa House, being a co-equal branch, may sarili silang sistema doon. Kanya-kanyang sistema. Kami dito, may sarili naman kaming sistema dito.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release